Pacquiao at Mayweather Mega-Fight Tuloy ang Negosasyon sa Halagang $300 million Bout.
Boxing superstars Floyd Mayweather at Manny Pacquiao tuloy ang negosasyon sa inaabangan MEGA-FIGHT sa May 2 2015. Sa unang pagkakataon nagkaroon ng meeting ang dalawang boksingero at pareho silang umayon sa negosasyon tungkol sa $300million o (£200m) bout.
Nangyari ito sa MIAMI na kung saan na pareho silang nanood ng NBA Basketball game ng team ng Miami heat at Milwaukee Bucks.
WATCH YOUTUBE VIDEO
Pinuntahan ni Mayweather si Pacquiao sa half-time ng laro ng MIami Heat at Milwaukee Bucks.At sila ay nag shake hands.At sila ay nag bigayan ng mga cellphone numbers sa isat-isa
Sinabi ni Pacquiao Na 'He gave his number to me and said we will communicate with each other.'
Sila pacquiao at mayweather ay hindi nag-usap o plinano ang pagkikita nila dito. nagkataon lang na si Manny ay kaibigan at basketball fan ni Head coach Erik Spoelstra at si Maywewther ay regular na nanonood ng NBA Basketball games ng Miami heat sa mahabang panahon.
Ayo sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, Ang meeting ay hindi plinano o magkita ang dalawang superstars boxer, Nagkataon lang na na cancelled ang flight papuntang Los Angeles noong martes kaya naisipan na lang ni Pacquiao na manood ng NBA basketball games.
Pagkatapos ng meeting o pag-uusap ng dalawang boksingero napag-kasunduan nila na ituloy ang negosasyon sa laban nila na matagal nang inaabangan ng mga fans ng boksing sa buong mundo.
Pag-nagkataon ito na ang pinaka-mayaman na papremyo at History sa larangan ng boksing.
News from Philippine Balita.
January 28 2015